Aking mga kabayaan, alam na naman natin na ang Pilipinas ay naghihirap dahil sa matinding korapsyon. Sa tingin niyo po mayroon ba itong solusyon upang tayo makalaya sa kahirapan at ang ating inang bayan ay umunlad. Bagong natin talakayin ang solusyon sa pagtapos ng korapsyon.
Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.
Mapapansin natin na ang korapsyon ay likas sa tao, lalu na kung ikaw ay uhaw na uhaw sa mga luho o kaya sa mga magagandang bagay sa mundo. Sa tingin ko hindi lang kasalanan ng opisyal na maging gahaman nang makuha ang gustong posisyon sa pamahalaan. Mayroon malaking kontribusyon ang taong bayan; ang taong bayan ay may kapangyarihang bumoto at pumili ng taong tama para sa posisyon kaso ang nangyayari nagpapabili sila o kaya yung iba walang tamang kaalaman sa pagboto lalu na ang mga mahihirap. Naiintindihan naman natin na masarap tumanggap ng pera pero dapat natin tandaan na yung pera na natanggap mo ay galing sa buwis ng mga taxpayer.
Hindi mawawala kahit kailan ang korapsyon sa ating bansa maari lang itong mabawasan ngunit hindi ito nawawala. Sapagkat tayo rin ang pumipili ng taong magnanakaw sa atin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging tapat sila sa ating bayan.
Bakit nagkakaroon ng korapsyon?
Nagkakaroon ng korapsyon sa pamahalaan dahil sa pansariling interest at pangangailangang pinansyal. Minsan kung sino pa ang nasa mataas na posisyon sa gobyerno ay sila pa ang gumagawa nito. Dahil hindi sila natatakot na mahuli dahil sila ay may kapangyarihan at maari nilang takutin kung sino man ang magsusuplong sa kanilang masamang gawain sa awtoridad.
Ang korapsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa PIlipinas. Napakatagal na panahon na na kaakitabat ng salitang "politika" ang "korapsyon." Halos maging synonymous na nga ang dalawa. At hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang "politika" at "gobyerno", pumapasok at pumapasok pa rin ang salitang "korapsyon."

Epekto ng Korapsyon
- Ang pagpapadala ng kahirapan sa ating bansa
- Naghahadlang sa pag-unlad ng bansa
- Pagkawala ng tiwala ng mga tao sa mga na sa itaas
Ang korapsyon o katiwalian ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korapsyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan. Ito ang pangunahing pokus ng aming pananaliksik.
Mga gawaing halimbawa ng korapsyon:
- Pag-aabuso sa kapangyarihan
- Pakikipagsabwatan
- Pandaraya sa halalan
- Pagnanakaw ng kabang yaman ng bansa
- Panunuhol at pagtanggap ng suhol
- Pagtangkilik o Padrino
- Pangingikil
Pananaw ng Akda:
" Sa mga pulitikong nais lamang ang magnakaw sa kaban ng bayan. Nawa'y kung hindi man kayo mapanagot sa korapsyon, tandaan na hindi lamang ang batas ang maaaring manghusga sa inyo. May nakakakita ng katotohanan at siya na ang bahala sa inyo. Pati na rin sa mga nananatiling tapat, siya na rin ang bahala sa inyo."
Napakahusay!Totoo nga na halos lahat ng mga opisyales ng gobyerno ay nasisilawan sa pera kaya nagagawang magnakaw,salamat sa magandang impormasyon Nick Aba!
TumugonBurahinSalamat sa pagbigay ng iyong paliwanag. Marami akong natutunan. Nawa'y magpublish ka pa ng ibang blog!
TumugonBurahin